Saturday, September 24, 2005

"KALAYAAN"

"KALAYAAN"

Ito ang himig natin na malaya ang naririnig
San mang dako ng mundo sadyang ipinararating
Sabay nating awitin himig na sariling atin
Tagumpay ng bayan ang s'yang ating hiling.

Oh....
Tayo ba'y padadala sa agos ng mga banyaga
Diba't kaya nating tumayo sa sariling mga paa
Ikaw at ako, tayong lahat ang bagong Pilipino
Ikararangal ang kalayaan sa buong mundo

Koro:

Narito ang himig natin tayo na't ating awitin
Kalayaan ang ating bigkasin
Iisa ang ating hangarin himig kapayapaan,
Himig kalayaan kayamanan ng inang bayan

Ito na ang tamang oras na tayo ay gumising
Ipakita ang pag-ibig sa lupang sinilangan
Magkapit bisig at taas noo ating balikatin
Sama-samang magkaisa't abutin ang ating mithiin

( Balik Koro)

Nawa'y pakinggan n'yo ang aming kahilingan
O Panginoon ilawan n'yo ang puso't isipan
Ang alad ng pag-ibig sa mahal na inang bayan
Ipagdiwang nataong kalayaan
Kalayaan...

( Balik Koro)


Hazel Joey Apino Blk. 2 C

Malaya ka na Pilipino

Pilipino malaya ka na, kaya mo nang makipagsabayan sa pagbabago ng ating bayan. Kaya mo nang lumaban sa mga pagsubok na iyong mahaharap at maipagtanggol ang iyong sarili laban sa mapang-aping kasakiman. Bumangon ka Pilipino at naghihintay sa yo ang panibagong bukas na dapat mong harapin at tibayan iyong loob sa panibagong mundong iyong mahaharap. Pilipino malaya ka!.

Kenneth Francis Coronel Blk.2-C

"Kalayaan"

Bawat isa gustong palaging may kalayaan
Upang gawin ang lahat ng gusto nila
At malayang makakagawa ng mga desisyon
Na naayon lahat sa kanilang kagustuhan

Kaya nga lahat yata gagawin
kahit gaano man ito kahirap gawin
lahat titiisin, upang ang ating kalayaan
ay maipaglaban dahil ito ay ating karapatan.

Ito ay nakukuha lamang ng iilan
Napakahirap makamitng marami sa atin
Dahil palaging may humadlang
sa kalayaan na gustong makamit.

Dave Rey Seprado Blk. 2-C

Magigiting na Pilipino

Ni Marina Bacasmo P.
Block 2-C
Ang nilikha ni BathalA'y paraiso ubod ganda
pitonglibot isang daang pulo, mga bundok na may mina
kayumangging katutubo'y may kultura at bihasa
pinangala'y pilipinas ni Magillan ng europa.

Nang mangahas na manakop ang kastilang kanluranin
Lapu-lapu ng Bisaya'y di pumayag alipinin
Si kudarat ng Mindanao kaylan may di nasupil
Si Sulayman nitong luzon lumaban ng buong giting.

Di naglaon paglalabay namayani sa buong kapuluan
Rizal, Bonifacio, Aguinaldo, del Pilar, Silang, at marami pang ibang nagtanggol sa bayan
May likas na tapang at aking kagitingan
Nag- alay ng buhay upang mabawi ang kinuhang kalayaan ng mga mapang-aping dayuhan

Friday, September 23, 2005

Gumising Ka, Aking Bayan

Ma'no nawang marinig mo ang paos kong panawagan,
ma'no nawang magising ka sa lahat kong karaingan; kung ako man ay maapi sa ganitong kalagayan at masawi sa pagayakap sa dakila mong katuwiran bayaan mong ako lamang ang nag-iisang manambitan at isulit ko sa Diyos na ika'y mapaglingkuran............

Ibubulong ko sa iyong bayan, nayo't bukid, ang lahat kong kahapisan siya mo naring mga hapis; bawat luha ng pighati ay siya naring nakitirik sa langit ng aking sigaw na sa lupa'y madinig; sa ganito, mamataya man mawala man sa daigdig ang tinig ko'y maiwan sa puso mo Bayang ibig...........

Nababasa ko sa guhit ng palad mong makulimlim ang babala ng masungit na panahon mong darating, di na sa iyo'y matiyagang naglilibing kong di iyan narin mga pinalayaw mong nagtaksil; kapag ikaw natira sa pagtulog ng mahimbing magbangon man ay huli na't ikay tunay ng alipin......

Sa ilaw mong sakdal ningning mo na pansilaw ng dayuhan sa sasakyang magagarang pang-ubos ng iyong yaman, sa lahat ng ligaya mo na sa iyo ang panlibang naguguhit na diyan din mawawalan ka ng buhay, mga anak mo'y natatangis sa paglayas nang marawal walang lupa't walang puri wlang bandila at bayan......................


Glen Ryan Lozada
Blk 2 - C

Thursday, September 22, 2005

"SILA ANG NAGPALAYA"

by:Eugene Mangmang Block-2C

Bago dumating ang mga espanyol ang iba't-ibang tribo at barangay ay kanya-kanya ng pamumuhay. Paminsan-minsan pa ay naglalaban.Ang kahirapan ng buhay sa ilalim ng espanyol ay nag-udyok sa kanila upang kalimutan ang kaabahan.Nagsama-bama sila ng lumaban para sa kanilang kalayaan bilang isang lahi.Nang maranasan nila ang maging malaya,lumaban sila sa mga nais kumuha ng kalayaang ito.
Dahil sa kasaysayang ito,nakilala ang mga bayani at martir na pilipino.Pinarangalan sila hindi lamang sa kanilang rehiyon o lalawigan kundi sa buong bansa.

Tuesday, September 20, 2005

Puso Ng Kalayaan

Bigo ang mapayapang paraan ng paghingi ng pagbabago, Katarungan at pagkakapapantay-pantay.Sa harap nang batas ang tanging hinihiling ng mga Pilipino ay hindi pa maipagkaloob ng mga kastila. Ano ang nararapatgawin ? Magtitiis ba? Kay laon nang nagtitiis ng mga Pilipino. Mapaduhag! mag-aapi hindo ang lahing Pilipino.

Isang Tula sa Bayan

Sa iyong kandungan tinubuang lupa,
Pawang nalilimbag ang lalong dakila;
Narito rin naman ang masamang gawa
Na ikaaamis ng puso't gunita

Ang kamusmusan ko kung alalahanin,
Halaman at bundok, yaman at bukirin;
Na pawang naghandog ng galak sa akin,
Ay inaruga mo, bayang ginigili.

Ipinaglihim mo na ako'y bata pa,
Ang pagdaralitang iyong binabata;
Luha'y ikinubli't ng di mabalisa,
Ang inandukha mong musmos kung ligay.

Ngayong lumaki ng loobin ng langit,
Maanyong bahagya yaring pag-iisip;
Magagandang nasa'y tinipon sa dibdib,
Pagtulong sa iyo, bayang iniibig.

Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap
Ang pagdakusta mo't naamis na palad;
Sa kaalipinan mo'y wala nang nahabag,
Gayong kayraming pinagpalang anak!

Sa agos nang iyong dugo ipinawis,
Marami ang dukhang agad nagsikimis,
Samantalang ikaw, Bayang iniibig,
Ay hapung-hapo na't putos nang gulanit.

Santong matuwid mo ay iginagalang
Ng Diyos na lalong makapangyarihan
Na siya na dapat na magbigay-dangal,
Bagkus ay Siya pang kinukutyang tunay.

Ngunit mabuti rin at napupurihan,
Sa paghahari mo itong pamamayan,
Sapagkat nakuhang naipaaninaw,
Na dito na ang puno'y di na kailangan.

Kung pahirap lamang ang ipadadala
Ng nangagpupuno sa ami'y sukat na;
Ang hulog ng langit na bagyo't kolera,
Lindol, beriberi, madla pangbalisa.

Cristine Mae Bagasbas
Blk 2 - C

Monday, September 19, 2005

MALAYA NA NGA BA?

ni:Irvin Bungalan

Halos isang daang taon na ang nakaraan
Noong kalayaa'y ating nakamtan.
Sa tulong ng ating mga kababayan
Na grabe ang pagmamahal sa bayan.

Ngunit,tayo'y malaya nga ba?
Gayong ginagamit parin tayo ng iba.
Mga kababaya'y nagsisi-alisan,
At pumupunta sa ibang bayan.

Kung ito ang tinatawag na kalayaan
Sana,hiling ko di na lang makamtan
Lalo na't kung ang kapalit naman,
Ay ang yaman ng ating bayan.

Tayo'y malaya nga ba?
Eh,pati sa salita banyaga ang gamit nila
Sa pagkain at pananamit ganon din naman,
Panahon na siguro na ito'y makitlan.

Kung tunay nga tayong malaya,
Dapat gamitin sarili nating wika,
Mahalin,ipagmalaki at ingatan
Dahil tayo rin naman ang makikinabang.

"KALAYAAN"

ni:Dexter Andrino

Ilang daang taon ang lumipas
Ang ating mga bayani ay nag-aklas
Laban sa mga dayuhan
Na pilit inaangkin ang ating bayan.

ngunit hindi sila nagtagumpay,
Sapagkat may mga taong
Gustong ibuwis ang buhay
Para sa kalayaan ng bayan.

Si Rizal,Bonifacio,Lapu-Lapu
At iba pang mga bayani
Na silang namuno upang labanan
Ang mga dayuhan.

"KATUTURAN NG KALAYAAN"

sa pananaw ni:Christen Coronel

Kalayaan isang payak na salita,
Ngunit ito ay napakahalagang kataga
Sapagkat kung sa atin ito nawala
Ang mga mamamayan ay di magkakaisa.

Tatlong daang taong nakagapos,
Sa matinding lagim itong bayang irog
Sanlibong patak ng luha ang umagos,
Sa mga matang larawn ng pagkabusabos

Halintulad ang mundo ng isang piitan,
ng ibon sa hawla na walang kalayaan.
Puno ng kaguluhan at walang katiyakan,
Kagipitan,kaapihan,ang larawan ng BAYAN.

O,Rizal sa iyong pananaw
Limot na,nga ba ang habiling iyong binitaw?
Na kaming mga kabataan
Ang pag-asa ng bayan.

Nakakaingganyo kung pakinggan
Ngunit nakakadismaya kung titingnan
Paano namin makakamit ang kaginhawaan
Kung lugmok kami sa kahirapan.

Tayo'y maging mahinahon at magtulungan,
Sapagkat ito ang ating magiging daan,
Upang maitaguyod ang kalayaan
Tungo sa kaunlaran at kinabukasan.

Wednesday, September 14, 2005

MAKABAYAN

Kaya lamang nakilala ang tigas ng isang bakal
ay kung pali at subok na ang taglay ng katigasan
sa tao ay pambihira ang may angking karangalan
na kung ano ang sinabi'y siya niyang panuntunan;
Ang talagang makalahi at tunay na makabayan
ay sa puso inuuri, sa gawa at katauhan.

Hindi sa dila ng tao nangyayari bawat balak.
Ang damdaming makabaya'y di sa bibig nagbubuhat;
Ang pag ibig sa sariling sintang baya'y nasusukat
sa gawaing darakila na palaging namamalas;
Ang taguring makabaya'y mula sa bunton ng pilak
nasa puso't kalooban ng mayaman at mahirap.

Pag ibig sa kababayan ay pag ibig din sa lahi
kaya dapat na ang buti'y nangibabaw na palagi;
Isapuso't isadiwa nating lahat ang pagpili
sa ugali ng batasan nang ang baya'y mapatangi;
Ang sariling karapata'y siyang laging isamuni-muni
nang ating inang baya'y makaligtas sa aglahi.

Ang tunay na umiibig sa sarili niyang baya'y
katulan sa isang kristong naghasik ng kabutihan;
May Rizal at Bonifaciong naghandog ng dugo't buhay
sa pag ibig sa kapwa at sa bayang tinubuan;
Si Gandhi ang tanging lider na sa lupa'y isinilang
damit niya'y kinakain ay di bili sa dayuhan.

Kung ang bawat gintong layon at ang hangaring darakila'y
mauukol na lahat na sa bayan at sintang lupa;
Walang bayang matatangi, wala api at kawawa
at ang lahat sa daigdig pantay-pantay na mistula;
Pagsinakit natin ditong bawat ati'y makalinga
sa silanga'y lahi tayong tatanghaling masagana.

Jaybe R. Malones block 2-C

KALINAGAN--PAGYAMANIN.

PERLAS NG SILANGAN
PILIPINAS ANG PANGALAN
MAY SARILING KALINANGAN.

MINANANG TRADISYON
AT MGA KAUGALIAN
TATAK-PILIPINO
KULTURA NG BAYAN

ATIN ITONG PAGYAMANIN
PAHALAGAHAN AT PAUNLARIN
PAGKAT PILIPINO KA
SAAN MAN MAKARATING.
POSTED BY:Benebeth Aleo Block 2-c
sept.14 3:30 p.m

Kalayaan ng sambayanan

Isandaan at tatlong taon na ang nakalipas mula noong nag-proklama sa Kawit, Cavite ang ating kasarinlan; at kung saan ay winagayway ang ating bandila, at tinugtog ang ating pambansang awit, bilang pagsilang ng isang bansang may karapatang maging malaya.
Hayaan ang kanilang dakilang sakripisyo maging inspirasyon natin habang tayo ay sumisikap ngayon na palakasin ang ating minamahal na republika bilang isang makapangyarihang ekonomiya at isang buhay ng dignidad at kapayapaan para sa bawat pilipino. Hayaan natin ang mga aral ng nakaraan, kasama ng siglo ng kasalukuyan na magbigay sa atin ng sipag at inspirasyon na kailangan natin upang makamit natin ang ating bahagi ng responsibilidad bilang pilipino.Ating higpitan ang pagkakapit-bisig upang malunasan ang kahirapan at manguna tayong muli sa mga demokratikong diwa at gawa sa ating rehiyon.
Mga kababayan ko, sa gitna ng mga simbolo ng ating kasarinlan at kalayaan, humihingi ako ng inyong tulong at tulong ng poong maykapal. Samahan ninyo ako, magkapit-bisig tayong lahat upang ibalik ang kapayapaan at katahimikan sa ating kapuluan. Magkaisa tayo upang ganap na labanan ang kahirapan sa ating bansa. Magtulong-tulungan tayo upang mabilis na isulong ang ating ekonomiya at magdulot ito ng higit na kapakinabangan sa lahat ng ating mga kababayan.
Minamahal kong kapwa Pilipino, sa araw ng ating kasarinlan, mabuhay tayong lahat, mabuhay ang republika ng Pilipinas!At bayan, tayo ay magkaisa!

EMMALYN LACIERDA
BLK. 2-C

"Tunay na Kalayaan Taging Sinisigaw"

ni: Sisa Suficiencia
Blk 2C

Ang makalaya sa kubo ng mananakop ay isang gantimpala
Gantimpalay kailanma'y walang kapalit at sadyang wagas
Ag ibong malayang sinusugod ang kapatagan,
Ay siyang tunay na kadakilaan.

Dugo pawis ang siyang puhunan sa laban
Makamit lamang minimithing kalayaan
At ang tunay na sa sandatang tanging panlaban
Katatagan, pagkakaisa at pagtutulungan.

Ngunit daang taon na ang nakalipas
Kalayaang mithi hindi parin ganap
kailan kaya makakamit ang tunay na liwanag?
Nang bayan natin magig mapayapa't matatag.

Hanggang saan bubuwagin?
Ang kadenang sa paa'y bigkis parin
Hanggang kailan kakalagan?
Ang piring ng kamangmangan.

Gising na mga kababayan!
At sa sarili ating umpisahan
Pagbabagong dulot ng kapayapaan
Nang maging matiwasay ating kinabukasan.

KALAYAAN PA BA ITO?


ni: Joy Lyn C. Pepito
Blk 2C

Ang kalayaan mula sa pananakop ay siyang nagbibigay sa atin ng liwanag sa bagong bukas, ng bagong pag-asa at pagkakaisa. Ang kalayaan bang ito'y naging tuloy-tuloy? Oo ngat naging malaya tayo sa mga dayuhang mananakop. Ngunit naging malaya ba tayo sa ating mga sarili? Sa sariling disisyon? Pagmasdan natin ang ating paligid, kapayapaan kaya'y nangingibabaw? Mas mabuti pa ang mga nagliliparang ibon binibigyang halaga ang kalayaang kanilang nakamit. Bawat tao'y may kalayaan. Kalayaang makapagsalita, makapagsiwalat ng sariling saloobin at kalayaang magpasya. Ngunit sa lahat ba ng mga bagay ay malaya nating ginagawa ang ating naisin? Ang kalayaan natin bilang tao ay may limitasyon. Huwag naman sana nating abusuhin ang kalayaang iyon. Pag-poprotesta bay sulosyon? Ito rin nama'y isang kalayaan ng mga tao na maipahayag ang saloobin. Ito'y ating karapatan bilang mamamayan. Ngunit kung minsan sumusobra na tayo sa karapatang ibinigay sa atin. Isipin nalang natin na anumang sobra ay nakakasama. Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng kalayaan sa pagsasalita laban sa pamahalaan, ito bay magiging isang sulosyon para mabigyan ng katahimikan ang ating bansang kinagagalawan?. Isipin mo na lamang. Ikaw na ang magpasya!

Tuesday, September 13, 2005

"LAPU-LAPU:UNANG TAGAPAGTANGGOL NG KALAYAAN'

Si Lapu-Lapu, na pinangalanang "Kalipulako" sa Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas noong 1898, unang naitalang matagumpay na tagapagtanggol ng ating pambansang soberanya laban sa dayuhang (Kastila) mananakop. Ang kanyang kabayanihan at mahusay na pagsasanggalang sa ating teritoryo't kapuluan ang naging daan ng kanyang pagiging simbola ng kalayaan, kahusayan at kadakilaang antas ng ating pambansang katangian.

Ang engkwentro sa Mactan ay nararapat lamang ipagdiwang bilang isang malaking tagumpay na dapat alalahanin ng lahat ng Pilipinong mapagmahal sa kalayaan. Dahil noong makasaysayang araw ng Abril 27, 1521, si Datu Lapu-Lapu ng Mactan at ang kanyang mga mandirigma ay pumaslang ng mananakop na Kastilang si Ferdinand Magellan at matagumpay na nagtaboy sa mga dayuhang mananakop.

Ngayon, ang Lapu-Lapu ay biru-biruang kilala bilang isang tanyag na isdang kumagat kay Magellan hanggang sa ito'y mamatay. Ito ang dahilan kaya't si Lapu-Lapu ay pinangalan sa isang pulutong na isda. Sa isang maliit na lugar sa mabakawang dalampasign ng Barangay Punta Engano, sa Isla ng Cebu ay nakatindig ang bantayog ni Datu Lapu-Lapu na armado ng espadang Kampilan at lapidang may ganitong nakaukit:

"Ang pook na ito ay tanda ng isang tagpo ng labanan noong Abril 27, 1521 sa pagitan ng mga Pilipinong pinamunuan ni Lapu Lapu laban sa mga Kastilang pinamunuan naman ni Magellan nagwakas sa ganap na pagkapanalo ng mga Pilipino. Si Magellan ay napaslang at mula noon, si Lapu Lapu ay itinuring na unang Pilipinong nagpaurong sa pananalakay ng mga Yuropeo."

Itong talambuhay ng ating unang tagapagtanggol ng kalayaan ay isang handog para sa pinunong ito na nagwagi noong Abril 27, 1521 at pinaniniwalaan ng may-akda na ang araw na ito ay dapat ipagdiwang bilang isang pambansang kapistahan. Mabuti pang palitan ang "Fall of Bataan" o "Bataan Day" (April 9) at ihalili ang petsang April 27 bilang pambansang pagdiriwang. Sino ba si Lapu-Lapu at ano ang mga nalalaman natin tungkol sa kanyang magiting na pamumuhay at pag-uugali?

ni:Kareen Aballe Block-IIC

Ang Kalayaan Nga Naman



Ang Kalayaan Nga Naman
Ni: Suzielyn C. Benigno Blk-2C


Marami talagang naghahangad nito
batid pa noong una minsan na
tayong sinakop ng mga dayuhan.
pilitin man nating limutin pero nakatatak
na sa ating isipan ang mga samu't saring
paghihirap, pagtitiis at pagdurusa
ang ating dinanas sa kanila kaya
nga tayo ay nagkaisa.

Tayo'y lumaban sa mga dayuhan
sa ilang taon tayo'y pinahirapan
nagtagumpay ng hindi inaasahan
makamit lamang ang kalayaan.

Ang tao nga namay gustong-gusto
na magkaroon ng kalayaan
lalo na ang mga pilipino
dahil gusto nilang gawin ang kanilang
mga nais sa buhay mapatuyan
na sila'y malaya.

Ang pagiging malaya masyado ay nakakasama
dahil kahit ano ay ating ng ginagawa dahil
nga malaya na tayo kung baga
kailangang may kontrol ang ating pagiging
malaya ika nga may limitasyon
upang makontrol natin ang ating mga sarili.

Monday, September 12, 2005

pagkakaisa

ang kalayaan ay di nakukuha sa karahasan kundi sa pagkakaisang diwa ng mga mamayan.
tulad ng people power,edsa rebolusyon.nag kakaisa ang bawat pilipino para sa kalayaan.

Kaibigan 4ever

Mayron kabang kaibigan? ako pwede mo maging kaibigan pero wala namang plastikan.





Archie Gumbad
blk-2C

Kalayaan ng Kapaligiran

Kalayaan ng Kapaligiran
ni: Joyce Nierves Blk-2


Ito'y isang panawagan
sa balanang minamahal
Halinang iligtas ang kapaligiran
Mga dumi sa paligid ng itinapong bagay
ating ihiwalay sa di-natutuwa at may natutuwa.
May basurang natutunaw at di-natutunaw
Natutunaw na basura'y pampataba sa halaman.
At nire-recycle naman mga di-natutunaw
Naipagbibili pa't nakapagkakakitaan.
Polusyon sa hangin ay naiiwasan kung magtatanim ng mga halaman.
Walumpu't pitong bahagdan ng mga pollutant.
Nalinis ng halamang nasa loob ng bahay.
Mga basurang papel,plastic,at botelya.
Ipunin nang maayos at nang magamit pa.
Maipagbibili rin ang dyaryo at garapa.
at matataniman iyong mga lata.
Iyang mga papel at bombilya nagagawang palamuti sa murang halaga.
Ang ibig laruang mabibli sa bangketa na yari sa papel,barnis, at pintura.
Paggamit ng tubig ay bawas -bawasan mga sirang gripo ayusin,palitan.
Pagdidilig na tanghali sana ay iwsan nga bukas na fire hydrant gawan agad ng paraan.
Kaya bago mgtapon isiping mabuti sana iyong pagtitipid.
Mabuting paghahalaga.
Uunlad ang buhay paligid ay lilinis pa.

Saturday, September 10, 2005

kalikasan

ni : Francis Glen Tocmo
Blk 2c




Mataas na bundok ibong lumilipad
Sa bughaw na langit na takip ay ulap
Tila alpumbra dunong nakalatag
Sa pal na isip mabisang panlunas

Lagaslas ng tubig doon sa batisan
Ang mayamang dagat hatid ay kasaganaan
Ang mina sa bundok lambak at kapatagan
Lahat ay biyaya ng poong maykapal

Magandang paligid perlas ng silanganan
Tagiri sa bansa sa dulong silangan
Kung ang kalkasan ay pagbibigyan
Masisira tayo sa kinabukasan

Habang may panhon tayo ay mamulat
Pagyamanin ang paligid upang di mag salat
Lagi nating isipin ang salawikaing
Kung anong itinanim siyang aanihin

Sigaw ng Taumbayan

Sa pulitika,
Mukhang napakagulo talaga
Mga kandidato'y may maraming playaporma
Magaganda ngunit hindi pa naitatalaga.
Minsan ating nahihinuha na nais lamang nila'y
nila'malaking kita.

Iilan sa kanila'y hindi wastong nagagampanan
Ang mga tungkulin na dapat sanang punan.
Malaking impluwensya sa atin ang kanilang
panunungkulan sa taumbayan
Sapagkat kabilang tayong mamamayan
sa pamamalakad ng ating lupang
sinilangan.

Mapapansin ang maraming katiwalian.
Patuloy na ang mga problema'y
nadaragdagan.
Dahilan na rin sa kanilang kagagawan.
Paano na ang ating inang bayan?

Sana'y maliwanagan nang lubusan
Ang mga puso't isipan
Hindi lamang sa mga taong kabilang sa
panunungkulan
Ngunit kasali rin tayong mga mamamayan.

Maraming responsibilidad na dapat
atupagin
Kailangan may mabuting puso at higit na
maunawaan
Mga serbisyong panlipunan dapat pag
uukulan ng pansin.
Katapatan sa tungkulin at tunay na
pagpapalain.

Kaya, kumilos na mga kababayan!
Hindi dapat natin ito basta na lamang
hayaan.
Naririto sa ating mga kamay ang wastong
patutunguhan.
Nawa'y magsilbing aral ang ating mga
nasaksihan.
At manatili ito sa ating mga isipan.

Maggie Estrada
Block 2 C

Ang Inaasam ng Bawat Pilipino

Kakambal na ba ating bansa ang kahirapan?
Bakit ni saglit ay hindi man lang ito naagapan?
Paano pa tayo susulong,
Kung sa simula pa lamang ay unti-unti na tayong nalulunod.

Sa pagkamit ng kaunlaran ay kailangan natin sila
Mga pulitiko na sa bansa ay namamahala
Na sa kamay nila ang ating kinabukasan
Ngunit tunay ba nilang iniisip ang ating kalayaan?

Pamahalaan ba nila ay epektibo?
Ginagampanan ba nila ang kanilang tungkulin nang seryoso?
Sana maisip nila ang kapakanan ng mga Pilipiino
Na naghihintay ng tunay na pagbabago.

Graft and corruption ay puksin!
Pagiging makasarili ay huwag ni'yo sanang ugaliin
Magbago kayo at magsilbing modelo
Sa pagbangon ng mga mamamayang Pilipino.


Mira Grace Sullanu

doskalayaan

Doskalayaan ay isang organissation na nagpapahiwatig ng mapayapang kalayaan tungkol sa isang bansang hindi nag nagkakaintindihan.





Archie E. Gumbad blk- 2C

Thursday, September 08, 2005

Malaya Ka Na Pilipinas

Kalayaa'y nakamtan ng ating bayan
Nang tayo'y nagkaisa at nagtulungan
Iisa ang hangarin a sa pakikipaglaban
Kaya tayo'y nagtagumpay sa laban.

Lahat ng bagay ay may katapusan
Kaya pananakop nila'y nalampasan
Sa tulong na rin ng ating kababayan
Kaya dapat sila'y ating pasalamatan.


Sina Luna, Gregorio, at Bonifacio
Pati Silang ,Rizal, At Aquino
Nagbuwis ng buhay para sa bayan
Silang lahat ay di dapat kalimutan
Dahil buhay nila'y ipununla sa bayan


Kaya't kalayaan ingatan at mahalin
Upang ang bayang iniibig di na uli maangkin
At di mawalan ng saysay ang ipinaglaban sa atin
At sa pagkakaisa laging isisigaw ang salitang

"MALAYA KA NA PILIPINAS"


Nickalou C. Orantes
Blk - 2 C

Wednesday, September 07, 2005

Panahon ay lumipas

Ni : Rowena Campania
Blk 2c

Maraming taon na ang lumipas
Ating bayan ay nakaalpas
Sa panahon ng mga banyaga
At gustong angkinin mahal nating lupa.

Kahit yaon ay matagal na
Ala-alay sariwang sariwa pa
Nung tayo ay pinaglaban
Nang kababayang hangsd ay kalayaan

Maraming buhay ang nabuwis
Puhunan nilay dugo at pawis
Para lang maisakatuparan
Hangaring makamit ang kalayaan.

Kalayaan ngay nakamit natin
Dahil narin sa mabuting hangarin
At ngayon dapat pahalagahan
Kahit panahon lumipas pa man.

"Ang Pilipinas"

ni:Gladys Busia
Block 2C00000000000000000000000000000


Ang pilipinas ay mayamang bansa
Sa dagat,lupa, at pati lawa.
Bundok din natin saganang-sagana,
Kaya naman marami ang nag-aakala.

Tayo'y sinakop ng maraming banyaga--
Hapon,Amerikano, pati Kastila.
Lahat sila'y iisa ang mithiin,
Na maangkin ang bayang mahal natin.

Silang lahat ay di nagtagumpay,
Na maangkin ang yamang taglay,
Dahil tayo ay pinaglaban
Nang mahal nating mga kababayan.

Sina Rizal, del Pilar, at Bonifacio,
Pati na rin sina Aquino't Aguinaldo.
Ginawa ang lahat ng makakaya
Para tayo'y maging ganap na malaya.

Tayo'y magpasalamat sa kanilang lahat
Sa mabuting loob at pagmamahal na hangad.
Sa pag-alay ng kanilang buhay,
At naranasan ang kalayaang taglay.

Ang panahong nagdaan di dapat kalimutan
Sapagkat maraming naiwang mga larawan,
Pati bakas ng ating kahapon
Nang kalayaa'y nakamtan hanggang sa ngayon!..............................

"Salamat"

Ni: Almajean A. Abella
Blk 2c

Maraming pamgyayarisa bayan nagdaan
Lalo na ang panahon ng kagipitan
Lahat ng iyon ay nalampasan
Nang magkaisa ang ating bayan.

Kaibigan, dapat mong alalahanin
Bigyan pansin mga nangyayari satin.
Mga problema at suliranin,
Na nag patibay sa samahan natin.

Kalayaay nakamtan ng tayoy magkaisa
At naitaas ang ating bandila
Salamat kay Aguinaldo at Gregorio,
Pati kay Silang at Aquino.

Tayoy magpasalamat at magbunyi
Sa tulong ng Diyos, tayoy nag wagi.
Sa tapang at lakas ng loob na taglay,
At naipagpatuloy ang ating buhay.




Ang Kalayaan

Ni Virginia Pandigan
BLK 2-C

Ang kalayaan ay isa mahalagang
Biyaya ng Dios sa tao dahil sa kalayaan
ay nakakailag tayo sa masasama at magagawa
ang inaakala nating tama.

Maraming uri ang kalayaan
kalayaan na bigay ng Dios sa atin
may kalayaan din na kailangan pang
magbuwis ng buhay ang isang tao
para makamtan lamang ang kalayaan.

Tulad na lamang ng ating mga bayani
ibinuwis nila ang kanilang buhay
makamtan lamang natin ang kalayaan
sina Jose Rizal, Marciano H. del Pilar, Graciano Lopez Jaina
ay ilan lamang sa mga bayaning nagbuwis ng buhay.
na hanggang sa kasalukuyan ito'y ating tinatamasa.







.

Thursday, September 01, 2005

"Maala-ala mo kaya"

Ni:Charlie C. Peleño Block-IIC


Akin pang na-aalala
noong tayo'y kinakawawa,

at tayo'y inaalipusta

ng mga taong banyaga.

Buti na lang may mga matatapang
na handang lumaban para sa bayan.
At syang naging dahilan,

ng tinatamasa nating kalayaan.


Subalit habang tumatagal
ay unti-unting nabubuwal,
ang kanilang kagitingan
sa ating mga puso't isipan.

Ang akin lamang inaalala
na sa paglipas ng ilang dekada.
ala-ala nila'y sadyang mawawala,
at maglaho na parang bula.