Wednesday, July 19, 2006

kalayaan

" Ang kalayaan ang isang simbulo sa pagkakaligtas natin sa manga dayuhan na sumakop

sa atin bansa noong unang panahon at hinding hindi natin makakalimutan ang mga bayani

na nakikibaka at nagbuhis ng kanilang buhay para sa ating kapakanan at alam natinghindi

lamang sila ang tawagin na bayani kasali din ang mga matatapang na pilipino na


nakikipaglaban hindi lamang sa kanilang kapakanan kundi para sa lahat ng pilipno."



Archie E. Gumbad

Friday, November 11, 2005

Kalayaan, ingatan natin at mahalin

Simple lamang ang kahulugan nito para sa akin pagiging mapayapa at malaya kung baga magagawa nating gawin ang gusto nating gawin o ang gusto natin sa buhay kahit labag sa kagustuhan ng iba.Iba ang ating pakiramdam, may kasiyahan na namumuo sa ating puso.
Maraming tao at maraming pilipino na gustong makamit ang kanilang kalayaan kaya nga nagbuwis ng buhay sina Luna, Gregorio, Bonifacio pati na rin si Rizal at Aquino para sa ating bayan.
Kayat kailangan nating pangalagaan ang ating kalayaan upang hindi na ito muling manakaw ng iba.
Sanay buksan natin ang ating puso at isipin natin ang mga dapat nating gawin upang mapanatili ang ating kalayaan at tandaan natin na hindi pa huli ang lahat at lahat ng bagay ay may katapusan.


Francis Glenn Tocmo
Blk 2-C

Sunday, November 06, 2005

kalayaan ng pilipino
ang kasaysayan ng mga pilipino, nang dumating ang mga kastila sa bansa. ang mga pilipino ay unti unting nawalan ng kalayaan dahil sa mga banyagang Espanyol. na unti unting sumasakop sa bansa. na siyang naging kalaban ng mga pilipino. ang pananakop ng mga Espanyol ay umabot nang mahigit tatlong daang taon. pero hindi sila nagtagumpay, dahil may handang lumaban sa kanilang puwersa. ito ang mga bayaning pilipino na nakiki digma sa mga kastila upang maging malaya ang bawat pilipino sa sariling bayan at pinaglalaban ito ng ating mga bayaning pilipino upang makamtan ng bawat isa ang kalayaan ng mga pilipino.
Jay R Abe
Block-2C
God bless...

Friday, October 28, 2005

Pinoy

Nais ipahiwatig kung sino kabang
talaga pinoy ako pinoy tayo
tinawid ko ang dagat inikot kung
mundo nasa puso ko pala
hinahanap kung pulo
saan kaman naruruun wag kang
matatakot sa baril o
patalim sa bakas na madilim
Archie E. Gumbad
blk-2C

Saturday, September 24, 2005

"KALAYAAN"

"KALAYAAN"

Ito ang himig natin na malaya ang naririnig
San mang dako ng mundo sadyang ipinararating
Sabay nating awitin himig na sariling atin
Tagumpay ng bayan ang s'yang ating hiling.

Oh....
Tayo ba'y padadala sa agos ng mga banyaga
Diba't kaya nating tumayo sa sariling mga paa
Ikaw at ako, tayong lahat ang bagong Pilipino
Ikararangal ang kalayaan sa buong mundo

Koro:

Narito ang himig natin tayo na't ating awitin
Kalayaan ang ating bigkasin
Iisa ang ating hangarin himig kapayapaan,
Himig kalayaan kayamanan ng inang bayan

Ito na ang tamang oras na tayo ay gumising
Ipakita ang pag-ibig sa lupang sinilangan
Magkapit bisig at taas noo ating balikatin
Sama-samang magkaisa't abutin ang ating mithiin

( Balik Koro)

Nawa'y pakinggan n'yo ang aming kahilingan
O Panginoon ilawan n'yo ang puso't isipan
Ang alad ng pag-ibig sa mahal na inang bayan
Ipagdiwang nataong kalayaan
Kalayaan...

( Balik Koro)


Hazel Joey Apino Blk. 2 C

Malaya ka na Pilipino

Pilipino malaya ka na, kaya mo nang makipagsabayan sa pagbabago ng ating bayan. Kaya mo nang lumaban sa mga pagsubok na iyong mahaharap at maipagtanggol ang iyong sarili laban sa mapang-aping kasakiman. Bumangon ka Pilipino at naghihintay sa yo ang panibagong bukas na dapat mong harapin at tibayan iyong loob sa panibagong mundong iyong mahaharap. Pilipino malaya ka!.

Kenneth Francis Coronel Blk.2-C

"Kalayaan"

Bawat isa gustong palaging may kalayaan
Upang gawin ang lahat ng gusto nila
At malayang makakagawa ng mga desisyon
Na naayon lahat sa kanilang kagustuhan

Kaya nga lahat yata gagawin
kahit gaano man ito kahirap gawin
lahat titiisin, upang ang ating kalayaan
ay maipaglaban dahil ito ay ating karapatan.

Ito ay nakukuha lamang ng iilan
Napakahirap makamitng marami sa atin
Dahil palaging may humadlang
sa kalayaan na gustong makamit.

Dave Rey Seprado Blk. 2-C

Magigiting na Pilipino

Ni Marina Bacasmo P.
Block 2-C
Ang nilikha ni BathalA'y paraiso ubod ganda
pitonglibot isang daang pulo, mga bundok na may mina
kayumangging katutubo'y may kultura at bihasa
pinangala'y pilipinas ni Magillan ng europa.

Nang mangahas na manakop ang kastilang kanluranin
Lapu-lapu ng Bisaya'y di pumayag alipinin
Si kudarat ng Mindanao kaylan may di nasupil
Si Sulayman nitong luzon lumaban ng buong giting.

Di naglaon paglalabay namayani sa buong kapuluan
Rizal, Bonifacio, Aguinaldo, del Pilar, Silang, at marami pang ibang nagtanggol sa bayan
May likas na tapang at aking kagitingan
Nag- alay ng buhay upang mabawi ang kinuhang kalayaan ng mga mapang-aping dayuhan

Friday, September 23, 2005

Gumising Ka, Aking Bayan

Ma'no nawang marinig mo ang paos kong panawagan,
ma'no nawang magising ka sa lahat kong karaingan; kung ako man ay maapi sa ganitong kalagayan at masawi sa pagayakap sa dakila mong katuwiran bayaan mong ako lamang ang nag-iisang manambitan at isulit ko sa Diyos na ika'y mapaglingkuran............

Ibubulong ko sa iyong bayan, nayo't bukid, ang lahat kong kahapisan siya mo naring mga hapis; bawat luha ng pighati ay siya naring nakitirik sa langit ng aking sigaw na sa lupa'y madinig; sa ganito, mamataya man mawala man sa daigdig ang tinig ko'y maiwan sa puso mo Bayang ibig...........

Nababasa ko sa guhit ng palad mong makulimlim ang babala ng masungit na panahon mong darating, di na sa iyo'y matiyagang naglilibing kong di iyan narin mga pinalayaw mong nagtaksil; kapag ikaw natira sa pagtulog ng mahimbing magbangon man ay huli na't ikay tunay ng alipin......

Sa ilaw mong sakdal ningning mo na pansilaw ng dayuhan sa sasakyang magagarang pang-ubos ng iyong yaman, sa lahat ng ligaya mo na sa iyo ang panlibang naguguhit na diyan din mawawalan ka ng buhay, mga anak mo'y natatangis sa paglayas nang marawal walang lupa't walang puri wlang bandila at bayan......................


Glen Ryan Lozada
Blk 2 - C

Thursday, September 22, 2005

"SILA ANG NAGPALAYA"

by:Eugene Mangmang Block-2C

Bago dumating ang mga espanyol ang iba't-ibang tribo at barangay ay kanya-kanya ng pamumuhay. Paminsan-minsan pa ay naglalaban.Ang kahirapan ng buhay sa ilalim ng espanyol ay nag-udyok sa kanila upang kalimutan ang kaabahan.Nagsama-bama sila ng lumaban para sa kanilang kalayaan bilang isang lahi.Nang maranasan nila ang maging malaya,lumaban sila sa mga nais kumuha ng kalayaang ito.
Dahil sa kasaysayang ito,nakilala ang mga bayani at martir na pilipino.Pinarangalan sila hindi lamang sa kanilang rehiyon o lalawigan kundi sa buong bansa.

Tuesday, September 20, 2005

Puso Ng Kalayaan

Bigo ang mapayapang paraan ng paghingi ng pagbabago, Katarungan at pagkakapapantay-pantay.Sa harap nang batas ang tanging hinihiling ng mga Pilipino ay hindi pa maipagkaloob ng mga kastila. Ano ang nararapatgawin ? Magtitiis ba? Kay laon nang nagtitiis ng mga Pilipino. Mapaduhag! mag-aapi hindo ang lahing Pilipino.

Isang Tula sa Bayan

Sa iyong kandungan tinubuang lupa,
Pawang nalilimbag ang lalong dakila;
Narito rin naman ang masamang gawa
Na ikaaamis ng puso't gunita

Ang kamusmusan ko kung alalahanin,
Halaman at bundok, yaman at bukirin;
Na pawang naghandog ng galak sa akin,
Ay inaruga mo, bayang ginigili.

Ipinaglihim mo na ako'y bata pa,
Ang pagdaralitang iyong binabata;
Luha'y ikinubli't ng di mabalisa,
Ang inandukha mong musmos kung ligay.

Ngayong lumaki ng loobin ng langit,
Maanyong bahagya yaring pag-iisip;
Magagandang nasa'y tinipon sa dibdib,
Pagtulong sa iyo, bayang iniibig.

Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap
Ang pagdakusta mo't naamis na palad;
Sa kaalipinan mo'y wala nang nahabag,
Gayong kayraming pinagpalang anak!

Sa agos nang iyong dugo ipinawis,
Marami ang dukhang agad nagsikimis,
Samantalang ikaw, Bayang iniibig,
Ay hapung-hapo na't putos nang gulanit.

Santong matuwid mo ay iginagalang
Ng Diyos na lalong makapangyarihan
Na siya na dapat na magbigay-dangal,
Bagkus ay Siya pang kinukutyang tunay.

Ngunit mabuti rin at napupurihan,
Sa paghahari mo itong pamamayan,
Sapagkat nakuhang naipaaninaw,
Na dito na ang puno'y di na kailangan.

Kung pahirap lamang ang ipadadala
Ng nangagpupuno sa ami'y sukat na;
Ang hulog ng langit na bagyo't kolera,
Lindol, beriberi, madla pangbalisa.

Cristine Mae Bagasbas
Blk 2 - C

Monday, September 19, 2005

MALAYA NA NGA BA?

ni:Irvin Bungalan

Halos isang daang taon na ang nakaraan
Noong kalayaa'y ating nakamtan.
Sa tulong ng ating mga kababayan
Na grabe ang pagmamahal sa bayan.

Ngunit,tayo'y malaya nga ba?
Gayong ginagamit parin tayo ng iba.
Mga kababaya'y nagsisi-alisan,
At pumupunta sa ibang bayan.

Kung ito ang tinatawag na kalayaan
Sana,hiling ko di na lang makamtan
Lalo na't kung ang kapalit naman,
Ay ang yaman ng ating bayan.

Tayo'y malaya nga ba?
Eh,pati sa salita banyaga ang gamit nila
Sa pagkain at pananamit ganon din naman,
Panahon na siguro na ito'y makitlan.

Kung tunay nga tayong malaya,
Dapat gamitin sarili nating wika,
Mahalin,ipagmalaki at ingatan
Dahil tayo rin naman ang makikinabang.

"KALAYAAN"

ni:Dexter Andrino

Ilang daang taon ang lumipas
Ang ating mga bayani ay nag-aklas
Laban sa mga dayuhan
Na pilit inaangkin ang ating bayan.

ngunit hindi sila nagtagumpay,
Sapagkat may mga taong
Gustong ibuwis ang buhay
Para sa kalayaan ng bayan.

Si Rizal,Bonifacio,Lapu-Lapu
At iba pang mga bayani
Na silang namuno upang labanan
Ang mga dayuhan.

"KATUTURAN NG KALAYAAN"

sa pananaw ni:Christen Coronel

Kalayaan isang payak na salita,
Ngunit ito ay napakahalagang kataga
Sapagkat kung sa atin ito nawala
Ang mga mamamayan ay di magkakaisa.

Tatlong daang taong nakagapos,
Sa matinding lagim itong bayang irog
Sanlibong patak ng luha ang umagos,
Sa mga matang larawn ng pagkabusabos

Halintulad ang mundo ng isang piitan,
ng ibon sa hawla na walang kalayaan.
Puno ng kaguluhan at walang katiyakan,
Kagipitan,kaapihan,ang larawan ng BAYAN.

O,Rizal sa iyong pananaw
Limot na,nga ba ang habiling iyong binitaw?
Na kaming mga kabataan
Ang pag-asa ng bayan.

Nakakaingganyo kung pakinggan
Ngunit nakakadismaya kung titingnan
Paano namin makakamit ang kaginhawaan
Kung lugmok kami sa kahirapan.

Tayo'y maging mahinahon at magtulungan,
Sapagkat ito ang ating magiging daan,
Upang maitaguyod ang kalayaan
Tungo sa kaunlaran at kinabukasan.

Wednesday, September 14, 2005

MAKABAYAN

Kaya lamang nakilala ang tigas ng isang bakal
ay kung pali at subok na ang taglay ng katigasan
sa tao ay pambihira ang may angking karangalan
na kung ano ang sinabi'y siya niyang panuntunan;
Ang talagang makalahi at tunay na makabayan
ay sa puso inuuri, sa gawa at katauhan.

Hindi sa dila ng tao nangyayari bawat balak.
Ang damdaming makabaya'y di sa bibig nagbubuhat;
Ang pag ibig sa sariling sintang baya'y nasusukat
sa gawaing darakila na palaging namamalas;
Ang taguring makabaya'y mula sa bunton ng pilak
nasa puso't kalooban ng mayaman at mahirap.

Pag ibig sa kababayan ay pag ibig din sa lahi
kaya dapat na ang buti'y nangibabaw na palagi;
Isapuso't isadiwa nating lahat ang pagpili
sa ugali ng batasan nang ang baya'y mapatangi;
Ang sariling karapata'y siyang laging isamuni-muni
nang ating inang baya'y makaligtas sa aglahi.

Ang tunay na umiibig sa sarili niyang baya'y
katulan sa isang kristong naghasik ng kabutihan;
May Rizal at Bonifaciong naghandog ng dugo't buhay
sa pag ibig sa kapwa at sa bayang tinubuan;
Si Gandhi ang tanging lider na sa lupa'y isinilang
damit niya'y kinakain ay di bili sa dayuhan.

Kung ang bawat gintong layon at ang hangaring darakila'y
mauukol na lahat na sa bayan at sintang lupa;
Walang bayang matatangi, wala api at kawawa
at ang lahat sa daigdig pantay-pantay na mistula;
Pagsinakit natin ditong bawat ati'y makalinga
sa silanga'y lahi tayong tatanghaling masagana.

Jaybe R. Malones block 2-C

KALINAGAN--PAGYAMANIN.

PERLAS NG SILANGAN
PILIPINAS ANG PANGALAN
MAY SARILING KALINANGAN.

MINANANG TRADISYON
AT MGA KAUGALIAN
TATAK-PILIPINO
KULTURA NG BAYAN

ATIN ITONG PAGYAMANIN
PAHALAGAHAN AT PAUNLARIN
PAGKAT PILIPINO KA
SAAN MAN MAKARATING.
POSTED BY:Benebeth Aleo Block 2-c
sept.14 3:30 p.m

Kalayaan ng sambayanan

Isandaan at tatlong taon na ang nakalipas mula noong nag-proklama sa Kawit, Cavite ang ating kasarinlan; at kung saan ay winagayway ang ating bandila, at tinugtog ang ating pambansang awit, bilang pagsilang ng isang bansang may karapatang maging malaya.
Hayaan ang kanilang dakilang sakripisyo maging inspirasyon natin habang tayo ay sumisikap ngayon na palakasin ang ating minamahal na republika bilang isang makapangyarihang ekonomiya at isang buhay ng dignidad at kapayapaan para sa bawat pilipino. Hayaan natin ang mga aral ng nakaraan, kasama ng siglo ng kasalukuyan na magbigay sa atin ng sipag at inspirasyon na kailangan natin upang makamit natin ang ating bahagi ng responsibilidad bilang pilipino.Ating higpitan ang pagkakapit-bisig upang malunasan ang kahirapan at manguna tayong muli sa mga demokratikong diwa at gawa sa ating rehiyon.
Mga kababayan ko, sa gitna ng mga simbolo ng ating kasarinlan at kalayaan, humihingi ako ng inyong tulong at tulong ng poong maykapal. Samahan ninyo ako, magkapit-bisig tayong lahat upang ibalik ang kapayapaan at katahimikan sa ating kapuluan. Magkaisa tayo upang ganap na labanan ang kahirapan sa ating bansa. Magtulong-tulungan tayo upang mabilis na isulong ang ating ekonomiya at magdulot ito ng higit na kapakinabangan sa lahat ng ating mga kababayan.
Minamahal kong kapwa Pilipino, sa araw ng ating kasarinlan, mabuhay tayong lahat, mabuhay ang republika ng Pilipinas!At bayan, tayo ay magkaisa!

EMMALYN LACIERDA
BLK. 2-C

"Tunay na Kalayaan Taging Sinisigaw"

ni: Sisa Suficiencia
Blk 2C

Ang makalaya sa kubo ng mananakop ay isang gantimpala
Gantimpalay kailanma'y walang kapalit at sadyang wagas
Ag ibong malayang sinusugod ang kapatagan,
Ay siyang tunay na kadakilaan.

Dugo pawis ang siyang puhunan sa laban
Makamit lamang minimithing kalayaan
At ang tunay na sa sandatang tanging panlaban
Katatagan, pagkakaisa at pagtutulungan.

Ngunit daang taon na ang nakalipas
Kalayaang mithi hindi parin ganap
kailan kaya makakamit ang tunay na liwanag?
Nang bayan natin magig mapayapa't matatag.

Hanggang saan bubuwagin?
Ang kadenang sa paa'y bigkis parin
Hanggang kailan kakalagan?
Ang piring ng kamangmangan.

Gising na mga kababayan!
At sa sarili ating umpisahan
Pagbabagong dulot ng kapayapaan
Nang maging matiwasay ating kinabukasan.

KALAYAAN PA BA ITO?


ni: Joy Lyn C. Pepito
Blk 2C

Ang kalayaan mula sa pananakop ay siyang nagbibigay sa atin ng liwanag sa bagong bukas, ng bagong pag-asa at pagkakaisa. Ang kalayaan bang ito'y naging tuloy-tuloy? Oo ngat naging malaya tayo sa mga dayuhang mananakop. Ngunit naging malaya ba tayo sa ating mga sarili? Sa sariling disisyon? Pagmasdan natin ang ating paligid, kapayapaan kaya'y nangingibabaw? Mas mabuti pa ang mga nagliliparang ibon binibigyang halaga ang kalayaang kanilang nakamit. Bawat tao'y may kalayaan. Kalayaang makapagsalita, makapagsiwalat ng sariling saloobin at kalayaang magpasya. Ngunit sa lahat ba ng mga bagay ay malaya nating ginagawa ang ating naisin? Ang kalayaan natin bilang tao ay may limitasyon. Huwag naman sana nating abusuhin ang kalayaang iyon. Pag-poprotesta bay sulosyon? Ito rin nama'y isang kalayaan ng mga tao na maipahayag ang saloobin. Ito'y ating karapatan bilang mamamayan. Ngunit kung minsan sumusobra na tayo sa karapatang ibinigay sa atin. Isipin nalang natin na anumang sobra ay nakakasama. Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng kalayaan sa pagsasalita laban sa pamahalaan, ito bay magiging isang sulosyon para mabigyan ng katahimikan ang ating bansang kinagagalawan?. Isipin mo na lamang. Ikaw na ang magpasya!